hegelian_dialectics

[Hegemony, hegelarian - political scientist, Hegel: "To synthesize a new order, it is first necessary to create opposites sides and then bring them into conflict." Hegelianism - the philosophy of Hegel, who maintained that every postulate or affirmation (thesis) evokes its natural opposite (antithesis), and that these two result in a unified whole (synthesis), which in turn reacts upon the original thesis.]

Thursday, June 15, 2006

bumalik na siya......

bumalik na si superman!

dati ang ang buong akala ko hindi ko masyadong gusto si superman - bagamat sinusundan ko lagi ang lois and clark dati, lalo na ang smallville. kaya hindi ko ito dati inaamin kasi isang taga-kanluran kasi ang imahen ni superman - para bang malabo niyang ipagtanggol ang maliliit na bansa sa asya. pero may mga pagtatanghal naman siya kung saan nagliligtas rin siya ng ibang lahi.

pero, ganun pa rin - ang kanyang itsura ay imahen ng isang taga-kanluran. siya ay maputi, matipuno at ingles ang lenguahe. inampon pa nga siya ng amerika para ipangalandakan sa mundo - na kami ang inyong tagapagligtas!

pero nang mapagtanto ko ang pinagmulan ni superman - mula pala siya sa ibang planeta, isa pala siyang alien. at ibig sabihin ang magliligtas sa mundo ay isang dayuhan - isang alien. pero siyempre si superman ay isang kathang-isip lamang, ngunit kung iisipin nating mabuti may ibig itong ipahiwatig sa "great scheme of things."

siguro nga wala sa mundong ito ang "superman."

0 Comments:

Post a Comment

<< Home