hegelian_dialectics

[Hegemony, hegelarian - political scientist, Hegel: "To synthesize a new order, it is first necessary to create opposites sides and then bring them into conflict." Hegelianism - the philosophy of Hegel, who maintained that every postulate or affirmation (thesis) evokes its natural opposite (antithesis), and that these two result in a unified whole (synthesis), which in turn reacts upon the original thesis.]

Tuesday, June 20, 2006

confused but sure

ewan ko ba siguro dahil siguro sa dami ng problema kaya ako nalilito ng konti sa mga bagay-bagay.

bagamat natutuwa naman ako sa mga dating escapades ko, kahit may kulang. at may ongoing long distance relationship ako na alam ko na gusto ko naman pero, parang nagsasawa ako kasi masyadong lame - parang walang buhay. baka magkatotoo ang sinabi niya kanina na baka magsawa ako sa ganitong set up namin. ganito pala ang long-distance relationship, pag wala talaga mag-e-effort, kung walang magco-compromise, walang mangyayari sa relasyon, baka maitapon lang.

tapos pareho pa kaming busy sa aming karera. mahirap talaga pala ang ganito.

hindi ko pa naman alam kung hanggang saan ang pwedeng maabot nitong relationship adventure ko, sisikapin kong i-work out dahil baka naman manghinayang ako. licensed architect pa naman siya. sa palagay ko may rason kung bakit kami nagtagpo at tuluyang naging magkasintahan.

sige lang, hindi naman natatapos ang pakikibaka sa buhay.

wish ko lang, sana masolusyunan na ang mga suliranin ko.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home